How To Process Your First Shopee Order

Опубликовано: 24 Май 2026
на канале: Online Entrepreneur Tools
173
9

Kapag online seller ka at nag-post ka ng iyong product sa Shopee, hindi mo alam kung kailan ka may darating na orders. Kung nai-setup mo na ang iyong Shopee store, dapat ay mai-setup mo na din ang database na gagamitin mo sa lahat ng iyong mga orders.

Kasama sa new normal ang pag-gamit ng mga libreng tools para mas mapabilis mo ang pagpo-proseso ng iyong mga orders. Kung ikaw ay de-notebook lang, mas makabubuti na gumamit ka na ng Google Sheets para mai-keep at mai-track mo ng mabuti ang iyong mga orders.

Maraming gamit ang Google Sheets. Ang database na kasama sa tutorial na ito na aming tinatawag na OET Spreadsheet ay gawa sa Google Sheets. Ito po ay libre at pwedeng gamitin ng kahit sinong Online Entrepreneurs. Ginawa po ito para sa inyo.

Kasama sa mga dapat gawin ay ang mga job order forms, insertion order forms and stickers. Kasama ito dapat sa packaging para lalong matuwa ang iyong mga customers.

Kung mayroon po kayong katanungan, paki-comment lang po sa video na ito and we'll be happy to answer your inquiries. Stay safe everyone and God bless po sa inyo.

UPDATE: Correction po sa nabanggit na Discount na order ni customer, ang Fees and Charges po ay ang charge ni Shopee sa ating mga sellers, or ang commission po nila sa naging pag-order ng ating customer gamit ang Shopee platform. Ang mga naging discount ni customer ay makikita po under ng Buyer Payment section. Maraming salamat po sa pang-unawa.