Pagtatahip-Dunong: Paggamit ng Musikang Makabayan sa Pagtuturo

Опубликовано: 22 Май 2026
на канале: Joel Costa Malabanan
1,518
35

Webinar ito ng Tanggol Wika noong Mayo 20, 2020 sa pamamahala ni Dr. David Michael San Juan.

Pagtatahip-Dunong ang tawag sa paghihiwalay ng makabuluhan (bigas) sa mga hindi makabuluhang (ipa, bato at dumi) pamamaraan sa sistema ng ating edukasyon dulot ng mga Thomasites na ginamit ang edukasyon upang sakupin ang ating lahi sa isip, salita at gawa mula pa noong 1900.

Ang Pagtatahip-Dunong ay pangunahing tungkulin ng mga makabayang guro, mag-aaral at manggagawang pangkulturang magpapayabong ng akda at sining na nagtataguyod ng makauring pananaw. Ang mga ipa at bato ay hindi nakabubusog sa sambayanan bagkos ay dapat maihiwalay sa bigas na dapat isaing upang maihain at pagsaluhan. At sapagkat may tunggaliang umiiral sa lipunan, ang mga akdang may anti-imperyalistang tindig ang kasangakapan upang maihiwalay ang katotohanan mula sa mga kasinungalingan at pagsasamantalang nagaganap. Kung kaya’t sa Pagtatahip-Dunong, hindi nagiging sarado sa dayong kaisipan ang paggamit ng Pantayong Pananaw bagkos mahalagang salik ang konsepto ng Marxismo upang mabigyang diin ang makauri at anti-imperyalistang pakikibaka upang matamo ang buhay, dangal at ginhawa ng sambayanang Pilipino. Ang Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya at iba pang katutubong dalumat ang nagsisilbing bilao kung saan nagaganap ang pagtatahip habang ang mga makabayang awit, akda at iba pang sining ang pwersa na nagpapakilos upang higit na maunawaan ng mamamayan ang mga isyu at kalagayan ng lipunan na dapat baguhin upang makamit ang inaasam na kaloobang bayan na batay sa buhay, dangal at ginhawa (Villan, 2009)