PANATANG MAKABAYAN AT PANUNUMPA SA WATAWAT NG PILIPINAS WITH VOICE OVER

Опубликовано: 30 Сентябрь 2026
на канале: Keep On Learning With Teacher Aideen
18,518
60

Ang video na ito ay maaaring gamitin sa flag ceremony bilang video and audio presentation sa mga schools o paaralan. Maaari ring gamitin sa mga online classes and on site classes. Mayroon itong voice over. Ang panatang makabayan at panunumpa sa watawat ng Pilipinas ay importanteng kabisado ng mga mag-aaral sa kinder, elementary o grade school, junior high school, senior high school at college. Maaari rin itong gamitin sa flag ceremony ng mga corporations, city halls, munisipyo, at government agencies.
This video was originally created by Teacher Aideen (content creator of this channel) using Microsoft PowerPoint and CapCut Video Editor (for voice recording).


PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

PANUNUMPA NG KATAPATAN SA WATAWAT NG PILIPINAS
Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan at
Makabansa.