BSP, Bigyan ng Sagot, Please! 📢
May halaga pa ba ang mga nasunog, inanay, napunit o nginatngat na pera?
Tinatawag ang mga ito na mutilated banknote o sira-sirang perang papel o polymer.
Upang matukoy kung may halaga pa ang mga ito, sinusuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang 3S – Size, Signature, at Security thread.
Bibigyan ng sagot ni Bank Officer Aileen Manansala ng BSP Currency Policy and Integrity Department ang ilang katanungan tungkol sa mga sira-sirang pera sa video na ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ating salapi, maaaring basahin ang Philippine Currency Fitness Guide sa link na ito: https://bit.ly/PhCurrencyGuide.
#BigyanNgSagotPlease #BSP #Banknotes #Currency