Ang "Linggo ng Palaspas" ay ang ika-anim at at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Sa araw na ito ay ginugunita nating mga Kristiyano ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo, o senyales ng pagsisimula ng Mahal na Araw. Timawag din itong "Linggo ng Palaspas" dahil sa mga sanga at dahon ng palma na nilatag ng mga tao sa daraanan ni Hesus habang nakasakay sa isang asno papasok sa Jerusalem.