Panalangin kay San Roque
O, Panginoong kong Diyos,
ikaw na nagsugo sa
maluwalhating San Roque
at pinahatiran mo siya
ng kaputol na tabla,
Pinagtibay Mo ang pangako
sa kanya, upang ang sino mang
dapuan ng salot ay hindi maano,
sapagkat siya'y deboto sa Iyo.
Magdalita Ka sa aming lahat
na gumugunita sa kanyang buhay.
Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas
sa mga salot na nakakamatay
sa kaluluwa't katawan,
pakundangan kay Hesukristong
Panginoon namin.
Amen.
San Roque,
Pintakasi laban
sa sakit at salot
ipanalangin mo kami.