Share ko lang po sa inyo ung journey namin having a puppy named Hercules, a male chowchow, sya muna ang main character naten. March 10, 2022 Nasiyahan ang Mother in law ko na magpabili ng 2 chowchow breed of puppy at isang labrador para naman sa auntie namin. Binili namin ito sa Janeth shop Sa Aranque, CM Recto, Manila. Napanood nya ito sa isang vlogger. Since Birthday ng shop owner, may pa gift sila sa buyer at binigay na rin ung certificate na 2 days warranty lamang ang mga puppies sa shop. Pagkauwi sa bahay, kinagabihan, napansin na namin na parang matamlay sila, lalo na si Blossom ung brown color chowchow. Un pala may nararamdaman na sila, may sipon, nagtatae at ayaw kumain, akala namin, naninibago lang sa environment. So pinalipas namin ang ilang araw pa, unfortunately, lalong lumalala, nagsusuka at diarrhea. Yan na ung time na pinacheck up sila. Sa unang check akala is canine distemper, kaya nag gamot sila ni blossom the female chowchow for a week. Pero si Hercules talaga ang sobrang hina na na walang progress kahit naggagamot na, while Blossom, mas malakas na sya compared before. March 22, sinugod na namin sa emergency si Hercules, dun nalaman na positive sya sa Parvovirus. Parvo is a life threatening infection, so its better to consult vet near you.
Sinabi ng vet na they will do ung best nila para magamot si Hercules, but they cannot promise, kasi walang guarantee na makakasurvive sya dahil malala na nga.
90% daw ang di nakakasurvive sa ganitong sakit. Overnight lang sa kanila si Hercules. March 23, we decided na sa bahay nalang ituloy ang pag-aalaga kay hercules basta magkahiwalay muna sila ni Blossom para di ito mahawa. Unfortunately, nung kinagabihan na, nag bloody poop na sya ng tuloy tuloy. Alam nyo ung parang nakikiusap ung mata nya na hirap na hirap na sya at pagod na pagod na? heart-breaking situation talaga lalo na sa first-time kong mag hands-on sa puppy na may sakit.
12:50AM ng March 24, 2022, binawian na ng buhay sa Hercules.
Ang sakit mawalan ng alaga kahit saglit mo lang ito nakasama.
Parang nakakatrauma. Wala ung puyat at pagod sa akin, basta makita lang na ligtas sya. Kaya lang, di talaga kinaya ng katawan nya.
Lesson:
Di ko naman po sinabi na di safe bumili sa mga ganung klase ng pet shop., kasi swerte talaga ung mga nakakabili na maayos ang puppy na nabibili nila. Sabi ng vet na nakausap ko, pasok daw kasi ang ganung market sa tinatawag nilang Animal Cruelty. Kaya kung ung health at safety ng puppies ang unang iisipin, mas ok pa rin dun sa mga breeder mismo, na kita mong maaalaga sila at malinis at alam ang history ng parents ng mga puppies. Di sila basta basta magbaebenta lang. Ibibigay nila ang puppy kapag alam nila naok na ito humiwalay at malakas lakas na. mas okay din kung may vaccine at papers na ito. Mas mahal man, pero sure ka sa good health nito. Di gaya ng experienced namin, napamura nga sa price, pero napamahal naman sa gastos sa gamot at ospital, na parang bumili ka na rin ng may papel na alaga. Parang tao rin sila na part na ng family naten, kaya kung may pera kayo pang check up, pa consult nyo na agad sa vet. or kung wala man, magtanong sa mga alam nyong may alagang aso gaya nyo at may experienced na. Kung wala talaga, mag check ka sa mga facebook group ng mga Animals na meron ka at dun ka magtanong kung ano dapat gawin. or magtanong/ mag message sa page ng mga Veterinarians na nagbibigay ng free consultation.
Maraming salamat po and God Bless po sa lahat.
Love your fur babies
Dagdag kaalaman:
Ano nga ba ang Parvovirus infection?
Watch here: • PARVO VIRAL INFECTION
Paano maiiwasan ang Parvovirus?
Watch here: • "PAANO MAIIWASAN ANG PARVO VIRUS?"
How do veterinarians help patients suffering with parvo?
Watch here: • "HOW DO VETERINARIANS HELP PATIENTS SUFFER...
Thanks to the informative video of @docgelotv
********************
Video editor and Music by Kinemaster PRO
Join Us
Come and Get it
Sorry
********************
My social media accounts :
https://linktr.ee/titakoolotz
» Facebook Page : / titakoolotz
» Instagram : / titakoolotz
» Tiktok : / titakoolotz