DepEd replaces 'nagdarasal' in Panatang Makabayan with 'nananalangin'
PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas,
Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi,
Kinukupkop ako at tinutulungan
Upang maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
Naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap sa bansang Pilipinas.
Featuring the voice of Psalm Bermejo @preciousskyetv3642 @sirlhip9964