Online Seller Tips Para Dumami Ang Iyong Mga Customers

Опубликовано: 24 Май 2026
на канале: Online Entrepreneur Tools
690
8

May Sense Kausap Na Online Seller. Yan ang laging hinahanap ng ating mga customers. Hindi sapat yung tawagin natin silang Mam, Sir at sumagot ng Opo at Po. Importante din na maalagaan natin sila sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng mabuti hanggang sa matanggap nila ang kanilang mga orders.



May mga online seller, benta ng benta, pagkatapos ma-deliver ang order, hindi na nila kilala ang kanilang mga customers, oh hindi na mahagilap kung ano nga ba ang mga detalye ni customer dahil naisulat lang sa notebook, at napaglaruan, naitapon, o nabuhusan ng tubig at na-wipe out lahat ng mga nakasulat.

Kung ikaw ay seryosong negosyante, napaka-importante na mai-save mo lahat ng detalye ng iyong mga orders, mga customers, mga suppliers, at kung anu-ano pa tungkol sa iyong ginagawa sa araw-araw na pagbebenta mo online. Maging ang mga Facebook groups at pages, Instagram, Twitter at kung anu-ano pang channel dapat naka-save ito na pwede mong balikan ng mabilis.

Part ng tutorial video na ito ay kung paano gamitin ang OET Spreadsheet na gawa sa Google Sheets, na makakatulong sa iyo para mai-save mo lahat ng iyong order details, na pwede mong balikan anytime na kakailanganin mo.



Kung naubos na lahat ng mga customers mo sa iyong mga social media channels, kailangan mong mag-try ng ibang mga selling channels gaya ng Shopee, Lazada, at iba pa. Makikita mo sa tutorial video ang hitsura ng Shopee Seller Center, at iba pang mga detalye paano gamitin ito.



Kami po ay hindi endorser, o kinatawan ng Shopee. Katulad ninyo, isa din po kami sa libo-libong online seller, na gumagamit ng kanilang serbisyo upang makapag-benta online.



Kung may nais po kayong itanong, mangyari lamang po na i-comment nyo po sa video na ito. Aming pong sasagutin ang inyong questions. Stay safe po sa inyong lahat. God bless your family and your businesses.