Parang Langit - Johann Mendoza Original Song

Опубликовано: 19 Август 2026
на канале: Johann Mendoza
28,649
318

We all have our reasons for doing what we do and for me, I sing for these crazy people in the video and, of course, all of you. Here's the 2nd Johann Mendoza Original. As always LIKE, SHARE, SUBSCRIBE!

___________________________________________________________________

Parang Langit
LYRICS

Sa dulo raw ng buhay tinitimbang kung tayo'y tunay na karapat dapat
Pero ang alapaap ay narito sa lupa, kung may tiyaga kang maghanap
Lahat tayo'y may hirap sa buhay araw-araw -- init, traffic, at pera
Ngunit pagsakay ko ng jeep pauwi sa bahay, at ikaw ang nakita

Parang langit, parang langit
Kapag kasama na kita at nakakatabi
Parang langit, parang langit
Ang aking nahahagkan sa iyong tabi

Ang pasanin araw-araw sa mundong ibabaw, ginhawa daw ang kapalit
Pero 'di ko kailangan pangakuan ng ganyan, gantimpala na ang 'yong ngiti
Kayod lang ng kayod hanggang makaraos -- umaga, tanghali, gabi
Ngunit 'di ako kawawa pag pagod walang panama, basta't tayo ay magkapiling

Parang langit, parang langit
Kapag kasama na kita at nakakatabi
Parang langit, parang langit
Ang aking nahahagkan sa iyong tabi

Parang pagsikap ng araw
Sa gitna ng mapayapang ulap
Ako'y sabik na sabik na makita ka
Na makita ka

Parang langit, parang langit
Kapag kasama na kita at nakakatabi
Parang langit, parang langit
Ang aking nahahagkan sa iyong tabi