Pagkatapos ng tatlong linggong pagbuo, pagsasanay at pag orgnisa ng awiting likha ng United Youth and Leaders for Betterment, opisyal at matagumpay na itong natapos ngayong araw.
Ang Campaign Video For Nation's Betterment na ito ay iniaalay para ating inang bayang Pilipinas, lalong lalo na sa ating mga kabataan at kababayan, na sa papalapit na namang pagpili ng mga bagong lider ng ating bansa, maging matalino, may puso at isip tayong mag desisyon, hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para sa kinabukasan ng lahat.
Kabataan ang simula ng lahat, kaya marapat lamang na sa kabataan magmula ang malinis, marangal, may dignidad at makabuluhang pagbabago upang tunay nating makamtan ang kaunlaran. Kabataan ang siyang sentro, kabataan ang siyang madaling gamitin sa panloloko, kaya nakikiisa kami upang magpabatid ng paalala at gabay, na huwag ibenta ang ating karapatan, bumoto ng may konsensiya.
#KabataanParaSaBayan
#KabataanTungoSaNagkakaisangMalinisNaHalalan