Pantasya – Jwar, Riston, J Flackz, Ft. Mister Jude
Jackpot Music Entertainment
PANTASYA LYRICS:
JWAR
Oh kay ganda ng umaga ng biglang merong makita
Lumalakad ng marahan mistulang isang diwata
Seryoso ang imahe’t datingan nya ay pantasya
Napakasimple ng galawan at mukha syang mahiwaga
Habang papalapit sya sa akin ng dahan dahan
di na ako mapakali habang lumiliit ang pagitan
Nating dalawa’t tila sumisikip itong daanan
distansya para sa amin ngayon hindi ko mapigilan
Ng biglang napasulyap napatingin sayong mata
may hindi mapaliwanag nadamay kakaiba
Ganito nga ba talaga sadyang hindi ko maitago
ang nararamdaman ko’y seryoso walang halong biro
Inalipin mo ako tuloy ngayon di na malaman
kung san pa ko dadalhin ng diwa ko di mapigilan
Ang isipin ka’t malaman kung san ba ang yung tirahan
pagsaluhan natin ang pagibig na may pagmamahalan.
MISTER JUDE
Ikaw ang naging liwanag, naging panatag,
ngayon wala na saking bumabagabag
mula nang masilayan kay nakita ko na ang magandang umaga
at sa tuwing ikay! tumititig ay para bang nakaulutang na ko sa kalangitan at sinasayaw ng mga ulap sa himpapawid
kagandahang mala rosas saking kapaligiran,
kagandahan mong anyooooo pinapangako ko na iingatan ka,
susulitin ang oras na alagaan ka ganyan kita kamahal oh aking reyna
RISTON
Babaeng pang-ilaw ng tahanan,
naliliwanagan pag ikaw ang kausap harap harapan,
Sa taglay mong kagandahan
at ugaling madaling pakisamahan
tila yata iniibig, kita sa pag titig, ng di mo namamalayan
grabe ang pintig tikom ang bibig
kapag ikaw na yung kasama ugh
Nawawala yung drama maga panga sa kakatawa
Kung umasta pang maria clara
nawa'y mabigyan mo ng pag asa
maging crisostomo ibarra,
Alam ko namang di ka isang bagay
pero sakin ka napabagay
diba yan ang tunay!
MISTER JUDE
Ikaw ang naging liwanag, naging panatag,
ngayon wala na saking bumabagabag
mula nang masilayan kay nakita ko na ang magandang umaga
at sa tuwing ikay! tumititig ay para bang nakaulutang na ko sa kalangitan at sinasayaw ng mga ulap sa himpapawid
kagandahang mala rosas saking kapaligiran,
kagandahan mong anyooooo pinapangako ko na iingatan ka,
susulitin ang oras na alagaan ka ganyan kita kamahal oh aking reyna
JFLACKZ
bakit ganito ang syang nadarama ko
lalo kapag hindi kita nasisilayan ang katulad mo
parang barako na kape na nagbibigay lubusan
sakin ng kaginhawaan di ko akalain sa babae
na palagi binubuli ko pa dati binibiro noon
ay sya din ang babae na maari ko masabi masabihan na
mahal kita biruin mo yun! naalala ko noon
ng mga bata pa nga tayo palagi ko tinatago
pati bag mo na Barbie pag ikaw ang kalaro ko
sa tapat ng bahay para tayong
aso't pusa at si tom and jerry
kaagaw ko kumain ng mangga na hinog
tinatalo ko palagi sa kalog saka pog
tinatakot ko sa tuwinang malakas ang kulog
kasama sa kalokohan panahong di pa hubog
yung tigasin sa looban pasimuno sa inuman
ay natuto na magbago magbanat ng buto
ikaw ang nakapag paamo sa katulad kong pilosopo
kaya nasabi ko sayo na jackpot ako
pinalaya mo ang puso mula sa pagkakulong
at tinuruan mo magbago ang katulad kong sutil
Gantimpala para sakin na ikaw ay makilala
higit ka pa sa mga nauna ko na minahal na dumating
Back to Chorus -
#Pinoyraplovesong #Aspiringpinoyrapper #Tondorepresent #pantasya