Paano Malalaman Kung Confirmed na ang MARINA SID o SRB Appointment Mo?

Опубликовано: 13 Сентябрь 2026
на канале: Niel's Assist
6,800
27

Nalilito ka ba kung confirmed na ang iyong MARINA SID o SRB appointment? Sa video na ito, ipapakita natin ang dalawang simpleng paraan para malaman ang status ng iyong appointment.

Una, gagamit tayo ng eGov PH App upang hanapin ang MARINA OAS at tingnan kung available ang "View My Appointment Status" feature. Kung hindi ito lumalabas sa inyong app, mayroon tayong alternatibong paraan gamit ang opisyal na MARINA SID/SRB Online Appointment System website.

Matututunan mo rin kung saan makikita ang iyong reference number, paano ilagay ang iyong birth date, at paano i-check kung confirmed na ang iyong appointment bago ang iyong schedule sa MARINA.

Kung nais mo namang malaman ang kumpletong requirements para sa pagkuha o pag-renew ng SID o SRB, mayroon tayong hiwalay na video na maaari mong panoorin sa ating YouTube channel.

Disclaimer: Ang video na ito ay ginawa para sa layuning magbigay ng impormasyon at gabay kung paano i-check ang appointment status at confirmation ng MARINA SID o SRB application. Ang mga detalye at proseso ay maaaring magbago anumang oras depende sa opisyal na patakaran ng MARINA. Para sa pinakabagong impormasyon, bisitahin lamang ang opisyal na website ng MARINA.

#MARINA #SID #SRB #MARINAAppointment #Seafarer