NADINE LUSTRE NAG-SALITA NA BREAK-UP NILA NI JAMES REID

Опубликовано: 24 Май 2026
на канале: BbMAriA💕
63
4

#JaDine #cheating_jamesreid
#issa_pressman
#third_party

JUST IN: James Reid at Nadine Lustre, break na
Ayon sa isang malapit kay James Reid, nag-alsa balutan at umalis na si Nadine Lustre sa bahay ng aktor sa Quezon City.
Hindi ikatutuwa ng fans nina James Reid at Nadine Lustre ang balitang hiwalay na ang real-life lovers dahil sa “irreconcilable differences.”
Ang breakup nina James at Nadine ang unang malungkot na balita sa pagpasok ng 2020.
Tiyak na hindi ito basta matatanggap ng JaDine fans, na umasa at naniwalang may forever at ang kanilang mga iniidolong artista ang magkakatuluyan.
Hindi lingid sa malalapit na kaibigan nina James at Nadine ang naganap na hiwalayan nila, na hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko.
Ayon sa isang malapit na tao kina James at Nadine, nag-alsa balutan at umalis na si Nadine sa bahay ni James sa Quezon City, na naging saksi sa kanilang pagmamahalan.
Sa mga interbyu noon kina James at Nadine, hindi nila itinanggi ang balitang nagsasama na sila sa iisang bubong.
Hindi naman nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng avid fans ng JaDine ang isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil ngayong araw, January 1, 2020, may ilan nang nagtatanong kung totoo ang balitang nakarating sa kanila tungkol sa split-up nina James at Nadine.
Kapansin-pansin ding walang posts sa social media sina James at Nadine na magkasama sila nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.
Ang pinakahuling post ni James ng larawan kung saan kasama niya si Nadine ay noon pang Halloween 2019.