Ito ang fix sa Error code 1020 at failed to sync coins.ph account sa Pisofi. Gusto ko sana ibahagi sa inyo ang naging fix ko kung saan ayaw mag sync ang aking coins.ph account sa pisofi upang makapag load ang vendo ko.
Sinunod ko ang pisofi tutorial sa mismong youtube channel ng pisofi. Dito nalaman ko na kailangan na pala ng google chorme extension.
Ito ang video tutorial ng Pisofi sa kanyang youtube.
• Video
Sundin mo lang bro ang pag install ng pisofi chrome extension. Pero kapag may lumalabas na error "failed to sync coins.ph account.." e update mo lang ang iyong version ng pisofi program. Matapos mo itong e update siguraduhin lang na e verify system.
Panoorin ang buong video. Sana nakatulong ang vidyo. Please subscribe.