Paano nga ba ang pago-online business, at anu-ano ang mga dapat nating gamitin na mga tools para mapabilis ang ating mga trabaho? Marami ka bang bogus buyers? Kami din. Eto ang mga tips para sila maiwasan.
Nahihirapan ka na ba magnegosyo? Aayaw ka na ba? Teka lang usap muna tayo. Baka mayroon ka lang ginagawa na hindi sang-ayon sa iyong gustong mangyari sa iyong business. Ang pagne-negosyo ay hindi parang kanin na isusubo, at kapag napaso ay iluluwa. Ang iyong sinimulan na negosyo ay parang isang anak na iyong iniluwal sa mundo, binigyan ng pangalan, at pinaghirapang patayuin upang matutong maglakad at tumakbo ng matulin.
Hindi mo man makita ang iyong patutunguhan ngayon, pero kung meron kang mapa, alam mo kung saan ang iyong punta. Sabi ng iba, walang kasiguruhan ang pagnenegosyo. MALAKING MALI! Kung alam mong walang kapupuntahan ang iyong ginagawa, bakit mo sinimulan? Di naman tayo mga tanga di ba? Tayo ay nasa tamang pagi-isip bago natin sinisimulan ang isang bagay. Mga milleneals nga ngayon nagtatagumpay sa pagne-negosyo, tayo pa kayang mga batang 80's at 90's?
Kung sa tingin mo ay hindi mo na kaya, baka kailangan mo lang ng katulong magbuhat kapatid. Mas nagiging magaan ang mabigat, kapag pinagtutulungan. Nakita mo ba yung mga mayayaman ngayon? Na-obserbahan mo ba sila? Hindi sila nagbubuhat ng mabigat, kasi may magbubuhat nun para sa kanila. Darating ang oras na mangyayari din yun sa'yo, kaya huwag na huwag kang bibitaw. Damhin mo kung gaano kahirap ang pinasok mo, para pumasok sa kukote mo na hinding-hindi ka dapat mag-give up.
Pm ka lang kapatid. Makakausap mo kami dito: http://m.me/OnlineEntrepTools
Anuman ang iyong problema sa iyong negosyo, tiyak namin na may maitutulong kami sa iyo para hindi ka mag-give up. Hindi kami naniningil. Masaya kaming makatulong sa kapwa namin na maliliit na negosyante. Kahit magdamag pa tayong mag-usap, walang problema.
Lakas ng loob, at tibay ng dibdib lang mga boss. Sanay tayo sa hirap kaya kayang-kaya natin maging isang matagumpay na negosyante. Huwag na huwag kang papayag na hindi ka magaling. Ang lahat ng bagay ay natututunan. Walang ipinanganak na matalino, pero maraming namamatay na bobo. Papayag ka bang maging isa sa kanila?