Mahigit dalawang oras ng pakikinig sa mga naisaplakang musika/kanta na likhang Filipino sa mga naunang dekada (40, 50, 60, 70) ng masiglang industriya ng pagsasaplaka sa Filipinas. Tampok ang mga balitaw, dansa, kundiman, polka, at iba pang anyo ng musika ng mundo na naisa-Filipino at nasa mga plakang 78 , 33, at 45; bahagi ngayon ng koleksiyon ni Dr. Michael M. Coroza ng Ateneo de Manila. Katuwang sa pakikinig ng plaka sina Gng. Sonia M. Roco, Gng. Jeanette Job Coroza, Dr. Georgina R. Encanto, at Prof. Felipe M. de Leon Jr. Ang episode na ito ay pahabol na pagdiriwang sa kaarawan ni Sylvia la Torre noong Hunyo 4.