QR Ph - Marilou Dinampo

Опубликовано: 20 Февраль 2026
на канале: Bangko Sentral
147
4

PANOORIN: Dahil sa QR Ph, eksakto na ang natatanggap na pera ng fruit vendor na si Marilou Dinampo. Gamit ang kanilang smartphone, kailangan lang i-scan ng mga customer ang QR Ph code upang makapagbayad.

Hindi na rin kailangan ni Aling Marilou na mag-cash out. Sa halip, pwede niya nang gamitin ang kanyang transaction account sa pagbabayad ng mga bills.

Interoperable ang QR Ph, kaya kahit magkaiba ang bangko o e-money issuer ng manininda at customer, maaaring makapagbigay at makatanggap bayad.

Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link para sa mga QR Ph participants:
QR Ph P2M participants: https://bit.ly/qrphp2m
QR Ph P2P participants: https://bit.ly/qrphp2p

#PayWithQRPh #LetsGetDigitAll #KabilangAko