Sana Tayo Na Lang Ulit ( tagalog spoken poetry )

Опубликовано: 11 Июнь 2026
на канале: Panda and Fox: Adventures and Love
1,709
89

Sana tayo na lang ulit ( tagalog spoken poetry )


Gumuho ang mundo ko ng sinabi mong wala ng ikaw at ako!.
Tumigil ang pagtibok ng puso ko,
Noong sinabi mong tama na,
itigil na natin to.

Ang sakit,
Ang hirap tanggapin.
bastat sinabi mong tapos na ang lahat sa atin.


Hindi ako puumayag kasi mahal kita,
Hindi ako sumuko, kahit na ayaw muna!
Hindi ako napagod kahit ang sakit sakit na!
Ayoko pang Bumitaw dahil pinipilit kung kayanin pa!

Patuloy kitang Pinaglalaban,
Kahit ang sabi ng iba ay tama na,
Nagmumukha ka ng tanga.



Akala ko kasi ay maibabalik pa!
Akala ko'y maayos pa.
Hindi na pala..
Dahil may iba ka na..


Sa tuwing nakikita kong magkasama kayong dalawa..
Hinihiling ko.
Sana,sana ako na lang ulit..


Sana kaya ko lahat tiisin yong sakit na nararamdaman ko.
Sana kaya kong sabihin na masaya ako para sayo,
Para sa inyo.
Pero hindi e..
Ang sama sama kong tao..
Kasi umaasa parin ako.
Na sasabihin mo,
Na mahal mo pa ako.
Na sana ako pa rin.
Ako na lang ulit...


Sa tuwing gabi laging ikaw ang laman ng isip.
Iniisip ko na sana "Tayo" nalang ulit.
Na sana muli pa nating maibalik.
Na Sana ako na lang ulit..
Kasi Mahal kita!!! Mahal parin kita..
Kaya sana tayo na lang ulit.

#sanatayonalangulit #tagalogspokenpoetry