GINGOOG CITY, MISAMIS ORIENTAL - Masiglang dinaluhan ng mga kapatid sa Distritong ito ang isinagawang Himig ng Kaligtasan District Finals. Sa aktibidad ay ipinamalas ng mga kapatid mula sa iba't ibang lokal ang kanilang kakayahan sa pag-awit. Lubos ang kanilang pasasalamat sa Panginoong Diyos sapagkat mayroong Pamamahala na totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa bawat kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa pamamagitan ng paglulunsad ng ganitong aktibidad. Hayag sa mga kapatid ang patuloy na pakikipagkaisa sa mga aktibidad sa layunin na bigyang kasiyahan ang Panginoong Diyos.
#HimigNgKaligtasan
#ChristianFamilyOrganizations