Salamat sa Dios sa isang panibagong kanta
Sana po ay magustuhan ninyong lahat at maging inspirasyon sa buhay
matapos ang dalawang buwan ay natapos din natin itong kanta ;)
Maraming maraming salamat po sa Dios
Salamat sa Panginoon
Sa aking pag-iisa ikaw ay kanyang tugon
Na katuwang, kasamang tumanda
Sa lungkot man o ligaya
Ikaw ang lingap sa akin ng Maykapal
Hanggang kamatayan sa aki'y magmamahal
At makapiling ka sa habambuhay
Makasama natin siyang sa iyo sa aki'y nagbigay
Salamat sa Dios sa araw-araw
Sa aking buhay binigay nya ay ikaw
At ang pangako sa kanya'y tuparin
Sa buhay na ito ika'y mamahalin anuman ang dumating
At sa bawat pagsubok na ating haharapin
Sa gabay ng Dios malalampasan natin