NARAMDAMAN MO NA BANG PARANG BIGLA KANG NAHULOG HABANG NATUTULOG?
Malapit ka ng mahimbing sa pagtulog tapos bigla kang mapapaigtad at magigising dahil akala mo nahulog ka. Ikaw ay nakararanas ng common sleep disturbance na ang tawag ay HYPNIC JERK.
BAKIT ITO NANGYAYARI?
Ayon kay Tom Stafford, isang psychologist,
Base naman sa obserbasyon ng mga scientists, ang mga nakararanas ng hypnic jerks ay nakakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso, mabilis na paghinga, pagpapawis at MINSAN ay kakaibang pakiramdam ng pagka-shock o pagkahulog sa kawalan.
DELIKADO BA ITO?
Ayon sa pag-aaral sa journal Sleep Medicine notes, ang hypnic jerk ay HINDI DELIKADO, huwag ka lamang mapapagalaw ng sobrang lakas at malalaglag sa kama. Ito ay normal phenomenon. Ito ay nangyayari rin sa mga taong healthy.
Kadalasan ito ay nati-trigger ng pagkapagod, stress, kakulangan sa tulog, vigorous exercise at pag-take ng stimulants tulad ng kape at nicotine.