PAG HINDI NA AKO by ICA of Hiprap Family

Опубликовано: 11 Июль 2026
на канале: nel lyrics23
102,981
609

PAG HINDI NA AKO by ICA of Hiprap Family


Pag Hindi Na Ako (Lyrics)

1st Verse

Alam ko na
Ramdam ko na
na mang iiwan ka
Halata naman sa kilos mo
ang pagbabago mo
Pwede bang sabihin mo na

Di na ako ang laman ng puso mo
Kahit pa na sabihin kong akin ka

May pagkukulang ba ako
Binigay naman sayo
Kahit sakin walang matira

Ganito pala kasakit na unti unti
kang nanlalamig

Ayaw ko man marinig
Di na ako ang pintig
ng damdamin mo
Pwede bang aminin mo

Kung hindi na ako
Sana'y mag ingat ka

Kung hindi na ako
Wag kang mag alala

Basta't tandaan mo lang palagi na
Mahal na mahal kita

Chorus:

Pag hindi na ako
Ipangako mo na lagi kang mag iingat
Sana'y ingatan, alagaan ka nya
kung paano kita binigyang halaga

At kung di na ako
At wala ng lugar sa puso mo
Kung meron ka ng iba handa kong magparaya

Basta makita lang kitang masaya
Mahal


2nd verse

Di ko na maramdaman
mga yakap mo't halik

Tila lahat ng 'toy pilit
at sakin ay di ka na nananabik

Pwede bang sabihin
kung ayaw mo na sakin
Para di na ko mahirapan pa

Alam ko na mang iiwan ka
iniisip ko palang parang di ko na kaya

pag sa'kin nawala ka, pag sabihing hindi na
ko ang gusto mong makasama
Tila wala na talagang pag asa

Kung hindi na ako
Sana'y ingatan ka nya

Kung hindi na ako
Wag kang magpabaya

Wag ka lang nya sasaktan dahil kailanman
hindi ko 'yon ginawa

Chorus:

Pag hindi na ako
Ipangako mo na lagi kang mag iingat
Sana'y ingatan, alagaan ka nya
kung paano kita binigyang halaga

At kung di na ako
At wala ng lugar sa puso mo
Kung meron ka ng iba handa kong magparaya

Basta makita lang kitang masaya
Mahal

3rd verse

Mahal, pwede ba akong humiling
na kahit hindi na totoo ang 'yong lambing
Kahit isang yakap ulit
na nagtatanggal ng sakit
Kahit ito'y pilit, kahit na mapait
at mag-isa na lang akong kumakapit.


Mag iingat ka
kung san ka magpunta
Tandaan mo lang palagi na mahal kita

Kung san ka masaya
Hahayaan kita
Kahit ang dahilan nito ay pagkadurog pa

Wag kang mag alala
Okay na ko basta okay ka

Pero pag sinaktan ka lang nya
Babawiin kita, dahil sakin ka naman diba

Chorus:

Pag hindi na ako
Ipangako mo na lagi kang mag iingat
Sana'y ingatan, alagaan ka nya
kung paano kita binigyang halaga

At kung di na ako
At wala ng lugar sa puso mo
Kung meron ka ng iba handa kong magparaya

Basta makita lang kitang masaya
Mahal (2x)

#pagdinaikaw
#ica
#hiprapfamily