WATCH: Estudyante, kabog sa kanyang pa free concert sa Koronadal City
Tila naging concert ni Nicole Casa ang naganap sa isang classroom kung saan napaindak ang kanyang mga kaklase.
Ayon kay Casa, birthday niya kaya handog niya ang isang awitin sa kanilang klase.
Pinayagan naman siya ng kanyang teacher na si Carmen Nana.
Ito ay naganap sa Notre Dame of Marbel University sa Koronadal City noong October 10, 2022.
Video courtesy of Czahra Janelle Mendoza Bañaga