ORAS - K Noe prod. by DJ Medmessiah

Опубликовано: 12 Май 2026
на канале: MORO BEATS
94,944
1.1k

Title - ORAS
Written by K-Noe
Produced by DJ Medmessiah
Shot & Directed by DJ Medmessiah
Executive producer Morobeats Ent.

Socials :
K Noe ng Morobeats
  / knoe777  

DJ Medmessiah -
www.facebook.com/djmedmessiah
Morobeats -
www.facebook.com/MoroBeatsph

Spotify
https://open.spotify.com/artist/6iWeZ...

#oras #knoe #djmedmessiah #morobeats

Oras Lyrics

Ito yon klaseng tatama sayo para ba bangungot,
Sisikip ang paghinga sa takot na baka malunod,
At inuod na morgue pagkatapos masakote,
Mga taong abusado ulo ulo igagarote,

Liwanagin ng mabuti ang nilalaman ng sulat,
Kung ang hustisya ay nabile pano na si visconde,
Sa kabilang buhay dios na ang husgado, ang dios nalang ang bahala sa mga taong nag bago,
mga rebelde't sundalo iisa lang ang sandata,
Bakit kailangan sumabak ilang taon at dekada,
Kung sa sarili ko bayan mismo, dumanak ang dugo sa,
huling saglit ng buhay ko ipaglalaban ng buo,
Ng marinig ang tunay na damdamin,
Kung gusto mo masaksihan ang krimen,
Halika samen,
lahat ng milagroso birhen humalik na sakin,
Tawagin man akong kriminal wag mo balakin,
Na agawin ang nararapat na para sa amin, kaya nakaluhod sa dios laging nananalangin,
At sa pagdating ng demonyo ako ay palarin,
Dahil di mo waring masukat ang masasamang hangarin,
At gaano man kabigat, ang aking mga pasanin,
Puno ng hinagpis ngunit pilit kong kakayanin,
Sa madilim na selda liwanag ang nakita,
Yan ba ang hustisyang hinahanap na ng victima,
Basahin mo ang bibliya bago nyo husgahan,
Ilang taong pinag sisihan ngayon ang buhay ang kabayaran,
Dios lang ang my alam sa buhay ko na inutang,
Nabuhay sa mundo lahat dito ay my hanganan.

Oras na upang gumising,
Oras na upang matuto,
Oras na upang kumilos,
Oras na upang magbago,
Oras na umiikot tuloy tuloy walang hinto,
Oras na upang malaman mo, ang oras ay ginto,

Tumatakbo ang oras ng di mo pa namamalayan,
Kaya gumising ka na sa oras na mapag iwanan,
Hindi isang rason ang pagiging isang mangmang,
Alamin mo na kung saan, pano balang araw kelan,
Ang susunod ko ba hakbang paabante o paatras,
Hagdanang walang hanganan sa lalim at taas,
At sa aking mga bakas na muli ko pinag-ukulan,
Mga karanasang hinding hindi ko malilimutan, (ughhhaa)
Di mo makakaila kung ba't ganito na nga ngayon,
Sangkutan ng mga kawatan mga tao na tag gutom,
Ngayon na ba ang oras para sating pag huhukom
Sakit na, wala ng lunas, takot na pag kakulong,
At sa bawat pag kakataon na maibangon ang dating nilamon
Tanghali maghapon hangang sa lalim ng alon
Wag mong ibaling kahapon ang mga nangyari ngayon
At sa bawat patak ng isang ulan kayang bumuhos ng galon.

Oras na upang gumising,
Oras na upang matuto,
Oras na upang kumilos,
Oras na upang magbago,
Oras na umiikot tuloy tuloy walang hinto,
Oras na upang malaman mo, ang oras ay ginto,