#44gloc9challengegoodsonremix
#goodsonhellabad
Simplehan lang natin, wag na yung malalim
Malinamnam na lyrics pwedeng isabay sa kanin.
YEAH!
Pakishare naman guys, baka sakaling mapansin ni idol gloc-9. Salamat!
Lyrics:
Ako naman ngayon, ito na ang panahon
Salamat nga pala kay Gloc sa pagkakataon
Marami ng taon, nagtago sa kahon
At ngayon magpapasabog parang bulkang Mayon
Simpleng tao na tumanggap sa hamon ng batikan
Di naman mahusay sa larangan ng panitikan
Nais ko lang naman, magbahagi ng kaalaman
Na hindi mo makukuha kahit saang paaralan
Wag na wag kang matatakot na sumubok ng mga bago
Sa una lang mahirap yan at nakakapanibago
Magsipag at magsikap hanggang sa makabisado
Hanggang ika'y handa nang tumaya ng pati pato
Ang buhay daw ay sugal, yan ang sabi ng lolo ko non
Dapat handa ka laging matalo kung gusto mo magkaroon
E ano naman kung matalo
Wag magpaapekto masyado
Wag mag-alala, pagka nadapa
Puwede ka pang bumangon
Sabi nga ni Rendon dapat focus lang sa goal
Tuloy tuloy lang kayod, kahit ikay pagod
Hanggang saan ang kaya mo, yan ang laging tanong
Sarili mo lang ang may alam ng tamang sagot
Pero 'wag kang magmamadali
Sulitin bawat sandali
Minsan yung mga mabibilis pa nga madalas na nagkakamali
Ano mali ba mga sinabi ko, o di ba tama?
Mas magandang ineenjoy mo lang ang bawat lakad
Mas masaya pa kung bawat hakbang mo ay may kasama
Mga tropang maaasahan mo kahit puro tawa
Pamilyang di ka iiwan sa hirap at ginhawa
Habang hawak mo ang kamay ng mahal mo na asawa
Kaya kailangan mo lalong sipagan
Para sila'y mapangalagaan
Hindi yung kilala mo lamang sila kapag meron ka lang kailangan
Sila ang tunay na kayamanan
Na kailangang paka-ingatan
Handa kong lumaban para sa kanila kahit hanggang kamatayan
Hangga't maaari sila ay pahalagahan
Sulitin palagi habang sila ay nandiyaan
Di mo masasabi, baka biglang merong mangyari
Huwag bigyang pasakit bagkus bigyan ng pagmamahal
Dumating man ang pagsubok, wag magmukmok sa sulok
Tibayan ang loob at wag basta basta susuko
Kapag sobra ng bigat pwedeng humingi tulong
Marami ring nagmamahal sayo ng buong puso
Di ko to sinasabi to para lamang mag-magaling
Para sakin din ito, bilang paalala na rin
Isang aral na hindi ko pwedeng balewalain
At siguradong habang buhay ko itong dadalhin
Salamat ulit kay Gloc-9 kami ay binigyan
Ng maliit na entabladong aming matatanghalan
Ako yung tipo ng taong hindi sanay mapakinggan
Pero ako'y nagbabakasaling sana'y mapakinggan