A Tribute in Loving Memory of Sir Doc Noel M. Bacani

Опубликовано: 07 Сентябрь 2026
на канале: Life and Skills
3,461
91

A Tribute in Loving Memory of Sir Doc Noel M. Bacani

Para kay Sir Noel,
Mahirap palang magpaalam sir, hirap akong isulat ang salitang “goodbye” nang permanente at lalong mahirap bigkasin ang salitang “paalam na” para sa isang katulad ninyo pong naging kaibigan, naging tatay sa aming lahat kahit hindi ka naman ganoon katanda pa. Salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo sa aming lahat basta tungkol sa trabaho. Naging kapalagayang –loob namin anumang usapin at minsan sa pansariling buhay.
Hindi ko malilimutan yung araw na akala ko napagalit ka namin kasi ay may pagtutol ka sa plano namin, isang hamon sa amin noon na sa lalong madaling panahon kailangan naming itayo ang isang magandang eksibit sa Regional seminar-workshop natin pero ganun man nagtiwala ka sa aming kakayahan hinayaan mo lang na kami mismo na mailabas namin ang aming ideya at katulad mo naging malikhain na rin kami, naniniwala ako na may “magic” sa iyong suporta kaya sa bawat gawain natin sa loob at labas ng paaralan nagiging tagumpay ito.
Thank you sa memories, sa aming puso at isipan mananatili ang magagandang alaala na ating pinagsamahan .
Ang iyong kaibigan,
Weng Mendiola

Video Editor: Jonathan O. Abubo