A-Dawgs - Straight Up (Official Audio)

Опубликовано: 08 Август 2026
на канале: A-DAWGS
332
6

Lyrics Written & Performed by A-Dawgs
------------------
#straightup

Artist: Ron, Añl
Mix&Mastered: Ramz Studio
CoverArt: Añl

Special Thanks To:
Toxickado'21, Anivasmovement, WhiteSideIndians.

© A-Dawgs 2022. All Rights Reserved.

Lyrics:

Churos:
sa simula pa di naghesitate
Dahan-Dahan na nag e-elevate
sumusulat di nagpahinga sa lakas ng
tama, musika lagi na tinitake

patuloy hanggang sa maka penetrate
sisipagan palagi hanggang makamit
ginuguhit pangarap parang architect
sinusulit ang pagod resulta na magbabalik

Ron's Verse:

pagpasok alam ko'ng di to madalian
andaming daanan pwedeng pagpipilian
andaming proseso dapat mong daan
ngunit di hadlang para ako'y pigilan

lalong lumakas nung pinanghihinaan
sinubukang awatin lalong lumalaban
matic nakabuhos lahat ng porsyento
pag musika na ang pinag-uusapan..

at yung mga plano ko ginagalawan
diko titigilan hanggang masaksihan
hanggang sa masabi na ginagalingan
mga kritikong kunwari di na gagalingan

sa kada luto ko lagi na sinasarapan
di na masasabi na napapaitan
o naasiman, o natatamisan
sakto lagi ang timpla at di nag aalangan

mga walang bilib , ginawa kung hakbangan
kahit matinik , inakyat ko hagdanan
kahit tagilid , aking lalampasan
balang araw mapapatapik at mapapatunayan

Añl's Verse:

Binangga piligro, di takot kung sino ang humarang kaya lumakas-
Sumogal ako reto, hanggang sa nagka libo kaya presyo ko ay tumaas-
Hindi ko ugali ang makampante, hanggang pangalan ko ay bumakat-
Bawat hakbang namin ay paabante, bawal kasi dito ang umatras-

Tiyanaga hanggang magkabunga, Tinuloy pangarap kaya to nakuha-
Hinayaan kung sino mauna, Tignan nyo puhonan namin heto lumago na-
Kung dati tingin nyo samin ay basura, ngayon ay ginagawa na kayong tuta-
Hindi to usapan kung sino nauna, mas kabiliban mo ang di naluluma-

Alam ko na di to madaling abutin-
Nag abang ako para na merong saluhin-
Kung pano to nagagawa'y wag mokong tanungin-
Kung isa ka sa mga tao na gusto 'kong sabunin-

Lahat ng humarang sakin papataubin-
Kahit na malasin ay kaya ko na laruin-
Masira man ang ulo ay magsusulat parin-
Adawgs lang katulong ko kahit pa na lamokin.