Benteng Ukit - Wilbert Ross (Visualizer)

Опубликовано: 30 Март 2026
на канале: Wilbert Ross TV
39,210
1k

The Visualizer of 'Benteng Ukit' from Wilbert Ross' Lampara EP.

Composed by Wilbert Ross
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Wilbert Ross
Arranged by Huly Ray Asidor
Mixed and mastered by Huly Ray Asidor

Lyrics:
Madilim ang paligid
Wala man lang sumisilip
Sino ang totoo
Ilawan mo naman aking mundo

Sumasaglit lang sa langit
‘Wag ka munang magalit
Hilain mo na ako
Hawakan mong mahigpit saklolo

Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako’y uhaw na uhaw nasa’n na ba ang sabaw na panlinis

Nasa’n na ang patalim
Matalas ba tignan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Anong meron sa baba nakatingin, nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako

Madilim ang paligid
Sa dagat na sinisisid
Iahon mo na ako
O kailangan ko lang pa lang tumayo

Hindi na makahinga
Nilulunod ang sarili magisa
Ano bang meron diyan sa ilalim

Kunin mo na ang gamot
Gawing panghimagas sa balot
Ako’y uhaw na uhaw nasa’n na ba ang sabaw na panlinis

Nasa’n na ang patalim
Matalas ba tignan natin
Benteng ukit sa ilalim ng permanenteng guhit
Anong meron sa baba nakatingin, nakatulala
Gusto mo bang lumipad kasama ako

Gusto ko ring mawala sa mundo
Kahit saglit lang, mawala itong nararamdaman
Pero nandito pa ako ngayon kumakanta
Sinasabing naiintindihan kita

Nasa’n na ang salamin
Okay ka ba tignan natin
Benteng ukit sana’y ‘di na ito maulit
Anong meron sa baba may hagdanan bumaba ka kaya
Gusto mo bang maglakad pagusapan ito

Don't forget to like, subscribe and click the notification bell to stay updated!

Check out my socials:

Facebook: Wilbert Ross
Instagram: @Hashtag_wilbert
TikTok: @Wilbertross