Abra - 72 BARS CHALLENGE (Beat by Klumcee Bangerz) [with Lyrics]

Опубликовано: 29 Апрель 2026
на канале: Abra
130,208
4.4k

Abra - 72 BARS CHALLENGE (Beat by Klumcee Bangerz) [with Lyrics] – New 'Kadabra LP' and 'Cosmik EP' available everywhere soon: http://bit.ly/artificerecords

Subscribe to Abra's official channel for premium content: http://bit.ly/abraofficial

Subscribe to Abra Films' official channel for more: http://bit.ly/abrafilms

Get exclusive Abra merch soon: http://shop.abraofficial.com

Connect with Abra:
  / abraofficial  
  / abraofficial  
  / abraofficial  
http://abraofficial.com

BEAT:
   • Klumcee #wantusawabarschallenge  

BARS:
kung meron akong chorus dito yon
kaso sintunado ang inyong lingkod, pero
kung meron akong chorus dito yon
tas may kasamang koro
naka-on yung auto-
tune at ganito yung tono
papapapapa-pakyu daw kayong lahat, sabi ni Smugglaz, hey
tatatatatatata-tangina niyo raw, sabi ni Apekz, yo

kamusta ka na kaibigan? matagal na panahon
na rin tayong hindi nagkita, naalala mo pa non?
ako nga baka hindi na, paalala mo ngayon
at usap tayo habang lockdown, mahaba pa ang taon
ako eto, ayos lang, para sa nagtatanong
naghahasa lang ng spada sa pag-rap at sa pag-flow
sa mga makabagong tunugan ang sarap lang tsong
sa kabila ng kalungkutan napakasaya ngayon
bilang, alagad ng rap at Pilipinong mang-aawit
di lang libu-libo kundi milyun-milyon ang nadawit
parang kailan lang ang sabi “OPM is dying”
biglang Pinoy Rap to the rescue, sumunod ang folk music
reviving the scene, with no revivals, sariling mga timeless
na himig, all orig, kahit minsan din ay biased
importante lang is, di pa tayo finished
mula abo, umalab tapos, biglang bangon phoenix
sa Hip-hop, nagkaron ng makabagong Rap Olympics
sa Rock, lakas ng indie, kita ko sa 19 East gigs
sa Pop, hindi lang Western may Korean pa ang gimik
at sa ibang genreng hilaw pa pero hindi hinog sa pilit
we made it, at sa wakas hindi na tulad dati
pupunta ka sa gig tapos yung TF mo pagkain
minsan kailangan mo pang humingi ng pamasahe
ngayon sa backstage may all-you-can-eat at tagamasahe
saya-saya pre, ewan ko kung ba’t ako nagsawa
siguro nga, masyado nang, napagod sa liwanag
gusto na lang magtago at, ayaw nang mangarap
hangga’t sa nawalan ng gana’t halos inayawan na ang rap
apatnapu’t unang Pinakamahusay na Aktor
ng Gawad Urian, di hamak matagumpay ang dragon
‘lam ko namang isa ‘ko sa mga pinakagutom
hangga’t sa medyo nasuka sa matinding pagkabusog
at nauntog, nakalimutan ko bigla kung pano
walang matapos ewan ko kung OC lang masyado
nagpapa-apekto sa mga “pogi ka lang gago”
tapos nagugulat na sa gig pag konti na lang tao
kasalanan mo yan Bra, kasi wala ng appetite
pinutol mo ang satellite, nagrebelde sa Spotify
“Abra, yung mga kanta mo, nawala dun, bakit? why?”
“puro paasa sa release date, 'la pa rin ba? ah k bye”
yaaan, nakuha mo na rin ang gusto
mapag-isa’t makapagbiyahe kahit san sa mundo
bilhin ang kahit ano, kahit gano kamahal
kumpleto gamit pang-studiong inipon nang matagal
pero di man lang binuksan, at nasa kahon pa
50k na mic, 50k na preamp, ano na?
dati-rati kami ni Rjay Alex hati-hati pa
para sa 900 Pesos na mic tas happing-happy na
ewan ko ba, gusto ko na lang gumawa ng pelikula
movie deals ng Viva, bilang bida, hinihindian ko pa
lahat ng record label sa Pinas tinanggihan ko na
kahit pabor sa'kin yung offer inaayawan ko siya
ewan ko ba, nagsawa na sa TV at sa radyo
feeling ko, okay na kahit na sa PC lang mag-upload
special gigs lang papasok, kahit walang bagong pasabog
at yung rate ko, as is, non-negotiable pa halos
kaya pasensya sa mga nag-abang at nagtiwala
at salamat sa lahat ng nagmahal at nakisama
patawad kung naging pabaya sa mga biyaya
hayaan niyo ‘kong bumawi sa panibagong pisara
pagkatapos netong quarantine, happier days
ilan na lang ang bobong hater na kay pangit ng taste
Pinoy Rap, hindi lang gaya-gaya galing sa States
2020 and beyond ito ang Platinum Age

kaya kung may chorus dito yon
kaso sintunado ang inyong lingkod, pero
kung meron akong chorus dito yon
tas may kasamang koro
naka-on yung auto-
tune at ganito yung tono
papapapapa-pakyu daw kayong lahat, sabi ni Smugglaz, hey
tatatatatatata-tangina niyo raw, sabi ni Apekz, yo

#Abra #72BarsChallenge #KlumceeBangerz #ArtificeRecords #Artifice #AbraFilms

Music video by Abra performing 72 BARS CHALLENGE (Beat by Klumcee Bangerz). © 2020 Raymond Mikael C. Abracosa, under exclusive license to Artifice Records, a division of Abra MGMT

   • Abra - 72 BARS CHALLENGE (Beat by Klumcee ...