Natagpuan ko na ang PERFECT server!? | OSRO | CTX Gaming

Опубликовано: 16 Июль 2026
на канале: CTX Gaming
4,028
21

Official Website: https://osro.gg/

HOOYYY! So ano na!? Kamusta naman kayo? Sana maging maganda ang weekend nyo at makapag pahinga kayo ng maayos!

Panibagong server nanaman ang lalaruin natin! Syempre high rate ulit tayo, at sa pagkakataong ito, merong @warp at hindi nacacancel pag tayo ay nakikipag laban! May silbe din ang mga normal na items dito! Grabe ito talaga ang old-school!

Parang...nahanap ko na ata ang server na paglalaruan ko ng matagal. May isa lang problema...HINDI ENABLED ANG GODS ITEM DITO...ayon sa website. Pero may nakikita kasi ako sa ingame na nag bebenta at bumibili ng god items. Malalaman natin yan sa patuloy natin na paglalaro nito.

Nga pala kung hindi nyo pa alam, ang server nga pala na ito ay ang Old School Ragnarok Online o mas kilala sa tawag na OSRO! Matagal ko nang alam ang server na ito, pero never pa akong naglaro dito dahil ang website nila ay naba-block ng anti-virus ko kaya naman hindi ko ito vinivisit. Pero ngayon ay naglakas loob akong bisitahin ang website nila, at simulan ang journey ko sa paglalaro sa OSRO!

Tara na guys! Madaming players dito! Samahan nyo akong maglaro dito at sabay sabay tayong magpalakas!

Maraming salamat sa inyo! Sana ay kahit papano magustuhan nyo ang video na ito :)