Tila ayaw kang patulugin
Ng samo't saring mga isipin
Halika at manalangin
Isipa'y tiwasayin
Walang problema na walang solusyon
Lahat ay magagawan ng paraan
Ilagak sa Panginoon
at magtiwala ka lamang
Nagawa nyang ang araw ay lumiwanag ng malaon
Nagawa nyang pakainin ang bilyong mga ibon
Ikaw pa ba ang Kanyang pabayaan?
Ikaw pa ba ang Kanyang malimutan?
Hinding hindi...Hinding hindi...
Kung ikaw ay nagigipit
Huwag ka sa patalim kumapit
Sa Dios tayo ay lumapit
Kasing lapit ng tuhod at sahig