Kapag umibig tayo, kadalasan sa atin, nakakalimutan natin ang worth natin na syang napakahalaga kung papasok tayo sa isang relasyon. Madalas nakakalimutan natin na mahalaga na meron tayong peace of mind at hindi paulit ulit na nasasaktan. Bilang babae/lalaki, kapag nag mahal Tayo ay nakilala Tayo sa pagkakaroon ng mahabang pasensya lalo na kung ung Tao na kasama natin ay mahal na mahal natin, madalas kapag nakita natin ang totoong ugali, palagi nating sinasabi na Kaya nating baguhin ang ugali nia, may pag asa pa, may magagawa pa tau, dahil wala sa vocabulary natin ang salitang "suko na tayo," madalas kumakapit tau sa paraan na Alam natin pero kahit tumagal man ang panahon, walang nagbabago, worst scenario pa ay Mas lumalala ang ugali ng taong mahal natin at habang nangyayare ang bagay na iyon, Mas nauubos tau,
Dahil palagi nating Tatandaan, mapababae man o lalaki ay hindi natin magagawang baguhin ang isang Tao kung hindi iaallow ng Lord na magbago cia at kung hindi Cia mismo ang magde decide Para sa ikakabuti Nia,
Kaya kapag sa una palang at nakikita muna na palagi Kang nasasaktan, itigil muna, kc habang tumatagal ka sa relasyon na pinasukan mo, Mas mahihirapan kang lumabas pagkat Mas naaattach kana sa taong feeling mo, hindi ka mabubuhay ng wala cia.
Always know your worth, may taong inilaan ang Dios sau na naalagaan at iingatan ka, hindi MO kailangang maramdaman na parang tinutorture mo ang sarili mo dahil lang sa ang alam mo ay mahal na mahal mo...
#lifelessons
#motivational
#lessonslearned