#tula #spokenword #poetry
Written on June 11, 2018
PWEDE BANG TAYO NA LANG?
Katanungang bumabagabag sa isipan
Ng mga taong minsang binansagang torpe nang lipunan.
Torpe na hindi alam kung paano sasabihin
Ang nararamdaman sa taong nagugustuhan.
Hindi malaman kung paano sisimulan
Ang sinasabing panliligaw na gumugunaw sa kinatatayuan.
Madalas na lang nakatanaw - minamasdan
Ang bawat mong hakbang baka sakaling sa aki'y mapadaan
At nang ikaw ay makita ng malapitan.
Pilit na gumagawa ng paraan
Upang ikaw ay maging kaibigan
At nang makilala pa ng lubusan.
Tadhana'y nakapanig, at ikaw nga'y naging kaibigan
Nagbabakasakaling iyo ding magustuhan.
Makita, makasama ka araw araw ay sapat na
Sa tulad kong 'di masabi na ako'y nahuhulog na
Salamat sa pagkakaibigan
Na pareho nating pinahalagahan.
Sa oras na handa ko nang sabihin ang aking nararamdaman
Ako'y nakahanda sa desisyon mong pinag-isipan
At sa pagkakataong ito hindi magsisisi sa sinapalaran
Dahil hindi ko na babalikan ang katanungang
Pwede Bang Tayo Na Lang?