single • Thinking Of You | trackno • 02 | performer • Magic Touch | album • Pangarap | release • 1996 | publisher • Polycosmic Records
Nakita kita sa aking panaginip
Kailanma'y 'di na naalis sa isip
Hanggang isang araw panaginip ko'y natupad
Natagpuan babaeng walang katulad
Mula noon kapag ako'y natutulog
Dalangin ko'y makitang aking irog
Lalo pa't nakilala ka't minahal
Natuwa, ako rin pala'y iyong minahal
Chorus:
O, Binibini ng aking panaginip
Salamat at ika'y naging akin. 2x
Dahil doon, sinabi ko sa sarili
Ang ika'y mawalay ay hindi na maaari
Bahagi ka ng buhay ko sinta
Sa bawat sandali kailangan kita
O, Binibini ng aking panaginip
Salamat at ika'y naging akin.