Panagos Sa Kamalayan - Amygdala

Опубликовано: 30 Июль 2026
на канале: AMYGDALA k k d x b
1,649
83

Title: Panagos sa Kamalayan
Lyrics & written by: Brynt Gulpo (AMYGDALA)
Beat produced by @morobeats
Recorded in: HyfeeRecords
Mixed and mastered by @bryanapalla
Album Cover Art by: Keanu Vicedo

Lyrics:

Chorus.
Sumasagwan sa kamundohan na ang laman halos karangyaan,sinasagwan ang kalawakan saking bumbunan panagos sa kamalayan

Verso uno.
Ipabanaag sa lahat totoong realidad,magulat sa pang bungad na aking ilalahad/naka kubli sa sarili aking imaheng totoo,kinunsinti ang tindi. taos humipan ng abo
Bantay sarado ang sarili ko pagkat baka tumakas,takot sa liriko parang may nakiki bakas/
Ang pagbibigay ko ng mensahe sa naka rarame,napunan mga imahe na sya saking bumakante/
Nag mula pa sa taas hinuhugot kong lakas,enerhiyang malakas hndi kawangis ng batas/di gumamet ng dahas o paraan na marahas,at para bang dumadalas ang mga dilang madulas/ istilo ng pulitiko bahag sa panghabag,ang matagal na pag upu nakakaipit ng bayag/masyado na kayong bingi panukala ng marami,hndi manlang maka hingi aking panukang mga labi

(CHRORUS)

Verso dos.
meron lang akong tanong sa aking isip araw araw na kase akong nananaginip,ibulong ko daw sabe ng hangin na umihip/upang ang matang bulag ay kapirasong maka silip/mga halamang hinahangin ay nakikinig sa akin,maling pamamalakad tinanim ka nila sakin/pilit na binabaon sa sentido kumon,sa pag indayog ng taon sila lang ang nagkaron/malinaw na impormasyon sa imahinasyon,madami ng limitasyon sa makabagong panahon/di manlang maka ahon sa pag lubog tayo lumutang,hirap na sa pag bangon lumolobo nating utang/hndi naten alam pano sosolusyunan,dahil tayoy isang hamak hawak na tautauhan/mag isa ka na lang sa oras na di maatim,pati na anino mo ay nang iiwan sa dilim/

(CHORUS)

Verso tres.
Ngayon kayo naman ang makikinig sa akin,pa ka abangan mga barang ihahain/papakawalan sa inyong mga kokote,dala ng mahiwaga kaya di nasasakote/sintaas ng buwan dalangin ko sa araw araw MAKAMIT ANG SAMBIT daig ko pa ang manliligaw/
Sa mga napangakuhan tila SA ARAW SILAW sa PAG GUHIT NAKA PIKIT
saulado kumpas at galaw

Sa mundo nais ko nalang lumaya
Magulo sa totoo mga batas na mandaraya
Tiniis ko mag paraya
Biktima ng hipnotismo ng haraya
Ang istilo ng buhaya
Kinikilo ang ligaya
mapag imbento mahamaya
di ka dapat ginagaya

Basag na ang hanay sa pag himay ng liriko
Subukan makibagay baka bagay sayo,parepareho tayong tao nakatapak sa mundo