Liwanag Ng Aking Pasko | JAMC CDO Original (Christmas ID 2021)

Опубликовано: 05 Сентябрь 2026
на канале: Zionvard
722
14

♫ Like, Subscribe/Follow, & Share! ♫

Spotify: https://open.spotify.com/track/2eRc1P...
Youtube:    • Liwanag Ng Aking Pasko  
Facebook:   / 1089004721670208  

LIWANAG NG AKING PASKO

Written by Jared Malmis
Arranged & mastered by JV Rañopa
Performed by Jared Malmis, Jamele Dablo, King Koy Dablo, Marifel Olisea, & Marianne Sajolan

A JAMC - CDO Original Production

Lyrics:

Kahit na mahirap
Minsan ng buhay natin
Minsa’y umiiyak at
Kay bigat ng ‘yong damdamin

Sa bawat paggising
May laging bigat na pasanin
Puso’y sumisigaw at
‘Tila pagsuko ang mithiin

Ika’y manalangin
May nagmamahal sa atin
Siyang makapangyarihan
Pag-ibig Niya ang iyong sandigan

Kahit sa bawat hirap
Pag-asa ma’y ‘di mahanap-hanap
Buksan ang puso at isipan
Ang Panginoon, hindi ka iiwan

Dahil Ikaw ang dahilan
Pag-ibig Mo’y walang hanggan
Dahil Sa’yo
May liwanag pa rin sa buhay ko

Dahil Ikaw ang dahilan
Pag-asa’y laging makakamtan
Dahil Sa’yo
May tuwa at galak sa puso ko
Dahil Sa’yo
Masaya pa rin ang Pasko

Bawat pagsubok
Na ating nararanasan
Siya ay gumagabay at
Nagmamahal sa’yo ng tunay

Walang suliranin
Na hindi mo kakayanin
Manatili kay Hesus at
Tibayan lang ang ‘yong panalangin

Dahil Ikaw ang dahilan
Pag-ibig Mo’y walang hanggan
Dahil Sa’yo
May liwanag pa rin sa buhay ko

Dahil Ikaw ang dahilan
Pag-asa’y laging makakamtan
Dahil Sa’yo
May tuwa at galak sa puso ko
Dahil Sa’yo
May liwanag pa rin sa buhay ko
Dahil Sa’yo
Masaya pa rin ang Pasko

#JesusIsTheReasonForTheSeason
#JAMCCDOChristmasIDOriginal
#JAMCCDOThanksgiving2021