Bataan oil spill protest, ikinasa ng ilang grupo

Опубликовано: 01 Май 2026
на канале: News5Everywhere
588
2

Nanawagan ng hustisya ang ilang mga grupo nang magprotesta sila sa tapat ng Philippine Coast Guard #PCG headquarters sa Intramuros, Maynila ngayong Lunes, Aug. 26.

Ikinasa ang protesta isang buwan matapos ang magkakasunod na pagkalat ng langis mula sa mga sumadsad na MT Terra Nova, MTKR Jason Bradley, at MV Viola 1 sa magkakahiwalay na lugar sa Bataan.

Boses ng mga raliyista, hindi pa umano nakakarekober ang mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill at ang kanilang mga pamilya dahil wala pa silang natatanggap na tulong pinansyal mula sa pamahalaan.

Kinalampag din ng mga grupong nagpoprotesta ang administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos, Maritime Industry Authority #MARINA, at PCG dahil umano sa kapabayaan ng mga ito upang tugunan at tulungan ang mga apektadong mangingisda.

Naungkat din ng mga grupo ang malawakang oil spill sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

  / news5everywhere  
  / news5ph  
  / news5everywhere  
  / news5everywhere  
🌐 https://www.news5.com.ph