Alamin ang iba’t ibang learning delivery modalities sa pagpapatuloy ng edukasyon:
✔️Ang distance learning ay isang alternatibong paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral. Nahahati ito sa tatlong uri.
✔️Sa Modular Distance Learning (MDL), maaaring gumamit ng mga printed module o mga module na nasa digital format gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet, o smartphone ang mga guro at mag-aaral.
✔️Ang online distance learning ay ang pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang iba’t ibang teknolohiya na mayroong internet access. Maaaring gumamit ng mga digital format katulad ng mga CD, DVD, laptop, computer, o tablet.
✔️Ang mga self-learning module ay maaaring maituro at maipalabas sa pamamagitan ng telebisyon at mapakinggan sa radyo.
✔️Ang blended learning ay kombinasyon ng iba pang delivery mode o pinagsamang online distance learning, modular distance learning, at TV/Radio-based Instruction. Dito ay maaaring gamitin ang mga printed module, iba’t-ibang digital format kasabay ng pagkatuto sa TV at radyo.
✔️Ang homeschooling ay pagbibigay pribilehiyo sa mga magulang at mag-aaral na magkaroon ng home-based learning environment na pangangasiwaan ng mga kwalipikadong magulang, guardian, o tutors na sumailalim sa training. Mahigpit pang pinag-aaralan ito bago tuluyang mapalaganap.
Kung may iba ka pang katanungan, i-comment mo lang ‘yan dito.. :)