Si PBBM ay sumali sa panel discussion ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa Athenee Hotel sa Bangkok, Thailand ngayong araw Nobyembre 17, 2022.
Nakasentro ang mga talakayan sa kooperasyon sa pagitan ng APEC Member Economies, long term plans hinggil sa kinabukasan ng world economy, at muling pagtatayo ng tiwala at pakikipagtulungan ng mga komunidad sa Rehiyon.
Kasama ni PBBM si G. Robert Moritz, Global Chairman ng PricewaterhouseCoopers (PwC) International at Propesor Klaus Schwab, Founder at Executive Chairman ng World Economic Forum (WEF).
Ang APEC CEO Summit ngayong taon ay naka-angkla sa temang, ‘Embrace, Engage, Enable’, nakatarget ito na magbibigay ng plataporma para sa mga pinuno at komunidad ng negosyo sa Rehiyon upang magpalitan ng pananaw sa pagtugon sa mga isyung pang-ekonomiya tulad ng pandemya samantalang patuloy na bumabawi ang mundo mula sa mga epekto nito.
Courtesy: RTVM
#guillermoarellano #pbbm #apec2022