Date Written: August 30, 2020
Man assuring his girl to start trusting his love, that he is sure in his plans, true to his intentions to pursue her with all his heart. Also valuing the old fashioned, God-glorifying courtship.
Dedicated to Ms. Hera Helene' Macalalad.
To God be the glory!
Verse 1
Sa iyong pagdating
Pusong sanay nang mag-isa'y biglang nagising
Ano nga bang mayroon ka
At ako'y nanabik na umibig sinta
Pre-chorus
Wala nang dapat pang patunayan
Handang tanggapin maging ang kahinaan
Chorus
Liligawan, haharapin ang lahat upang
Patunayang, hangarin ko'y tapat hanggang
Alinlanga'y malunod sa katotohanang
Sa lahat ng dumaan
Ang puso ko'y pinili kang ligawan
Verse 2
Ang aking paghihintay
Nagsasabing ang pagmamahal sayo'y tunay
Palaging nasa isip ka
Nasasabik na ika'y makasama sinta
Bridge
Sa tamang paraan
Bigyang kaluguran ang Diyos sa landas na daraanan
Nang makilala pa
Ang isa't-isa
Di ka pipilitin
Di mamadaliin
Asahan mong
Patuloy kang
Chorus
Liligawan, upang
Patunayan, hanggang
Alinlanga'y malunod sa katotohanang
Sa lahat ng dumaan,
ang puso ko'y pinili ka't
kung mapayagan
Ay habang buhay kang liligawan