Kisapmata | by Sarilikha
A song about "Rapture" or "The Second Coming of Christ"
#cover #kisapmata #FaithOchoa
Lyrics:
Si Hesus ay darating na sa huling tunog ng trumpeta
At tayo'y kukunin Niya, sa isang kisapmata..
Hindi alam ang oras ng ika'y magising
At ang gulong paligid ay iyong napansin
Mayro'ng nagsisigawan, may nag-iiyakan
Mga mahal nila sa buhay di na matagpuan
Bakit ka kinabahan ng malaman mong nag-iisa ka na
Ito'y isang hiwagang tiyak na magaganap
Mawawalang lahat ang kay Hesus ay tumanggap
Wala nang paghihirap kaligtasan ay tiyak
Ngunit kung maiiwan, ano ang hinaharap?
Magsisi huli na, sana ay hindi ka na ipinanganak
Mayro'ng mga digmaan at kapighatian
Na di pa naranasan kailanman
May mga laban kay Kristo ililigaw lahat ng tao
Sila ang maghahari at iibigin ng buong mundo
Hindi alam ang oras si Hesus ay darating
Habang may panahon Sya ay iyong tanggapin
Kung nasayo si Kristo'y hindi na mangangamba
Dumating man ang oras at tayo'y kunin Niya
Si Hesus ay babalik, ano mang mangyari ay handa ka ba?
Mayro'ng mga digmaan at kapighatian
Na di pa naranasan kailanman
May mga laban kay Kristo ililigaw lahat ng tao
Sila ang maghahari at iibigin ng buong mundo
Si Hesus ay darating na sa huling tunog ng trumpeta
Tunay bang handa ka na?
Sa isang kisapmata...