SA 'YO
Lyrics and music by Paul Armesin
O Diyos
Sa 'Yong lahat ang pagsamba't luwalhati
Maging ang pinakamainam kong awit
ay aawitin sa 'Yo
O Diyos
Ang aking isipan ay pagharian Mo
At sa'king puso ay hindi na maglaho
Tanging pag-ibig Sa 'Yo
Ano pa ba ang maihahandog ko
Liban sa buhay kong nanggaling Sa'yo
Kung ano man sa sandaling ito'y tangan
At mga bagay na tinuring kong yaman
Ito'y hindi pa rin sapat
Sa alay na nararapat Sa'Yo