Nabigo na mailusot ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Senate Committee on Finance ang kanilang ₱898 bilyong budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson Senadora Grace Poe, marami pang tanong ang ibang mga senador kaugnay sa ipinapanukalang budget ng ahensya partikular sa mga programang may kinalaman sa nararanasang pagbaha.
Sa pagtalakay sa panukalang budget, ipinunto ni Senador Loren Legarda na sa ilalim ng 2025 proposed budget ng ahensya, ₱251.1 bilyon ang inilaan para sa Flood Management Program o may katumbas na ₱688.5 milyong pondo kada araw.
#DWAR1494 #NewsPH #senate #dpwh