DepEd Secretary Briones Statement Presentation on the Approved Limited Face-to-Face Program

Опубликовано: 20 Май 2026
на канале: Teach Pinas
1,574
31

Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang limited face-to-face classes na magsisimula sa Enero 2021 sa mga lugar na low risk o kaya'y nasa ilalim ng MGCQ, tulad ng mga probinsya, mga isla na may zero case ng COVID-19 at mga malalayong lugar na hindi naabot ng virus.

Ipinaliwanag ni Secretary Briones na hindi lahat ng paaralan ay maaaring magsagawa nito, dahil dadaan sa masusing ebalwasyon upang masigurong ang paaralan ay compliant sa minimum health standards ng DOH. Kung pumasa ay magkakaroon din ng mga adjustment sa klase katulad ng paglilimita sa class size, mas pinaiksing oras para lamang sa mga mahahalagang lesson, at isa o dalawang araw lamang na pagpunta sa klase.

Distance learning modalities pa rin ang TANGING pamamaraan ng pagtuturo ng paaralan kung hindi papasa sa pamantayang ibinigay ng DepEd, DOH, at IATF.

This is Teach Pinas Official Youtube Channel. Please don't forget to subscribe and click the notification bell to get updated on our latest uploads.
Email: [email protected]
Official Website: https://www.teachpinas.com
Facebook:   / teachpinas  
Twitter:   / teachpinas