44BarsGloc9xTribalRapChallenge - Emask

Опубликовано: 16 Июль 2026
на канале: IRS Music
141
10

"BAWAL TAMARIN PARA SA AKING SUPLING" - E-mask (Ibayo Rap Smith)
gloc-9 & Tribal GEAR - Philippines
Produce By Good Son Hellabad
FB: https://m.facebook.com/story.php?stor...
#gloc9xtribalrapchallenge
#gloc944barschallenge
#IbayoRapSmith

LYRICS :
Pare bawal tamarin, di rin pwede mahimbing
Nakahiga man ang mga paa pari'y kiling
Kung sakaling bangungutin ay kaya kong magising
Kase bawal tamarin, sa dami ng mga hiling
Bigat nitong pasanin hindi pwedeng indahin
Dahil kung ano ngayon resulta ng bukas ko rin

Pero di madali mga hinarap kong mag isa
Suliranin kabiguan kapag naguginita
Pamunas saking pawis at luha ay iisa
Buntong hininga na lamang imbis na ayoko na
Kapag ayoko na bumangon
O ayoko ng umahon , sa lungkot muntik palamon
Buti na lang meron munting boses na nagpapaalala sakin na kailangan kong makatugon

Aral na aking bitbit sa ngayon
Pagkain ng kaluluwa kong gutom
Kaya kahit anong ibatong
Pagsubok sa akin ay sasalubong
Handang lumulon ng pait sa ganon
Masanay na halos dina magtanong
At tanging salamat na lang ang alam isagot
Murahin man ng malutong hey

Patuloy na aalulong
Tinig ko ma'y pasigaw na bulong
Dere-deretso na parang pison
Naipon kong pawis na galon galon
Sya naring tubig ko sa panahong
Mauhaw sa daang parang nasa pugon
Maglakad mabilad walang aayawan
Kahit merong bangin ako ay tatalon hoyy

Sa tagal kong nakapila
Di ako minsang nanghina
Umaasang minsa'y maiahon din ako ng musika

Kahit imposible nanatile
Lumagare makayare ng isa kung papalarin
Panalangin madinig makatawid, guminhawat matupad ang
Mga pangarap ko para saking supling
Kahit gano katalim ang ibato sasalagin
Saking kada tapak tiyak ang hakbang madiin
Hindi to kayang tangayin
Malabong masilaw para ako ay ligawin
Kahit na anong mangyari kailangan ko marating ang

Buhay na inaasam hindi man para sakin
Sa kanya ito'y laan
Kaya hanggat may buhay lagi mong tatandaan na wag kang hihinto kase meron dahilan

Kaya bawal tamarin, di rin pwede mahimbing
Nakahiga man ang mga paa pari'y kiling
Kung sakaling bangungutin ay kaya kong magising
Kase bawal tamarin, sa dami ng mga hiling
Bigat nitong pasanin hindi pwedeng indahin
Kase ang lahat ng to'y para sa aking supling