Silva Hotspring Resort
Honest Review...
Ok naman ung place. Hindi naman mahirap puntahan. Kayang puntahan kahit naka2 or 4 wheels, kaso pagdating nyo sa parking kelangan nyo magkalakad papunta mismo sa resort.
Around 10 to 20 minutes na lakarin depende pa sa bagal nyo maglakad. Papunta ok kasi pababa ung lalakarin mo kaso pag pauwi mapapalaban ka talaga ng akyatan palabas ng parking.
Kung may kasama kayong mga senior or pwd's siguradong mahihirapan or hindi kakayanin. May mga habal naman na pwedeng maghatid sa inyo papunta sa resort mismo 100 per head 2 sa isang motor. tapos may mga kabayo naman na pwedeng paglagyan ng mga gamit kung marami kayong mga gamit 200 naman un papunta sa resort. Sa Pool mejo hindi malinaw kasi nga weekend kami nagpunta at sobrang daming tao. Siguro mas ok kung weekdays kayo magpupunta, pero very refreshing ung init tlaga ng tubig, ang sarap magbabad kahit gabi or madaling araw. May tindahan naman sa resort mismo so kung may kelangan kayo may mabibili kayo dun like tubig or uling or kung ano pa.
May mga hindi lang kami nagustuhan sa resort like ung CR nila, iisa lang kasi ung CR nila so hahaba tlaga ang pila pag malapit na magcheckout ung mga guest tapos ang taas ng butas sa ilalim ng CR, pwede kang mag hi sa kabilang cubicle..hahaha..matatalsikan ka din ng tubig galing sa kabilang naliligo..hehehe..so un lang sana maayos tsaka ung overcrowding sana hindi sila tanggap ng tanggap ng tao, grabe experience namin sobrang dikit dikit tlaga ung mga tents kasi nga sa sobrang dami ng tao na nagpunta tapos maiingay pa, may nagvivideoke, malakas tugtugan, may mga lasing pa na maingay kahit madaling araw na. Yun lang sana masaway at maayos lang nila ung CR.