Enjoy ang mga tsikiting dito.
Kung gusto nyo ng Nature triping na may konting hiking and Excercise, Try nyo tong Shercon Resort and Ecology Park. Siguradong mageenjoy kayo sa mga infinity pools nila na may napakagandang view. Sobrang dami din nilang mga pools ikaw na bahalang pumili kung san mo gusto magswimming. May pangbata din so siguradong mageenjoy sila sa pagswimming dito. May mga activities din dito tulad ng Rock Climbing, Rapelling, Zip Line, Human Maze, Go Cart at marami pang iba na perfect sa mga Team Building, Tours, Field Trips depende sa gusto nyo, pwede din dito mga photo shoots dahil sa ganda ng mga nature backgrounds na makukuha nyo dito, at kung magutom man kayo may restaurant sila na pwedeng kainan, hindi sobrang mahal at sobrang dami ng servings nila nakakagulat kasi umorder kami ni mrs mejo madami kami lang 2 kasi kala namin konti lang ung servings kasi nga ang mura lang nya un pla sobrang dami na nung isang servings nya like ung sinigang good for 4 to 5 persons na pla kya napatakeout tuloy kami sa dami ng tirang pagkain. Pwede din kayo magexcercise sa loob like jogging and walking, fresh na fresh pa ung hangin. May mga cottage and mga rooms sila na pwedeng irent depende sa oras na gusto nyo pero I suggest na magbook kayo online kasi lagi silang fully booked sa mga rooms. Try nyo din Malapit na lang naman ang Batangas ngayon, kung galing ka ng Manila around 2 hours lang nandun ka na. Enjoy!