Please Like Comment and Subscribe to my Channel
Lyrics
.Bulong ng isip ang pangalan mo
Dinidikta ng puso ang wangis mo
Alaala ng paalam Walang hanggan
Maging sa pagtulog kita’y hinahagkan
Malayang lumilipad ang mga ibon
Kagaya ng paglipas ng mga araw
Kaylayo man nitong aking paglalakbay
Sa piling mo parin ang hangganan
Wag sanang abutin ng paglubog ng araw
Itong aking pighati sa ating paglalayo
Sana ay kapiling ka sa paglubog ng araw
Hanggang sa aking paguwi
Sana ay maghintay
Dala ng puso ko’y pagibig mo
Iniingatan ang pangako ko
At sa pagpikit nitong aking mga mata
Tibok ng puso moy nadarama
Malayang umaagos itong ilog
Kagaya ng paglipas ng mga oras
Mapagod man sa aking paglalakbay
Sa piling mo parin ang hantungan
Wag sanang abutin ng paglubog ng araw
Itong aking pighati sa ating paglalayo
Sana ay kapiling ka sa paglubog ng araw
Hanggang sa aking paguwi
Sana ay maghintay
Words and Music By Antero Baldemor
Musical Arrangements By EJ Clores
Recorded Mix and Mastered By EJ Clores @ CSite Recording Studio
#Indie
#OPM
#Original Song