PAETE - ANTERO BALDEMOR

Опубликовано: 24 Апрель 2026
на канале: Antero Baldemor
782
13

Ang kantang ito ay tungkol sa aking bayang sinilangan ang Carving Capital of the Philippines Paete,Laguna.
Ito ay alay ko sa aking mga kababayan at sa mga Artist ng bayan ng Paete.
Mabuhay ang Sining at nawa ay magpatuloy ito hanggang sa mga darating na henerasyon.

Musika, Tinig, Areglo at Instrumento - Antero Baldemor
Credits po sa mga may ari ng mga larawan, hindi po sa akin ang mga larawan na nailathala sa videong ito

#Paete

Sierra Madre sa Silangan
Lawa ng Laguna sa Kanluran
Ito ang bayan ng masining
Paete

Dito mo matatagpuan
Ang mga obrang kamangha-mangha
Gawang likha ng mga taga Paete

Inukit mula sa kahoy
Binigyang buhay ng mga Iskultor
At ang mga kwento’y sinasaysay
Ng mga Pintor

Sierra Madre sa Silangan
Lawa ng Laguna sa Kanluran
Ito ang bayan ng masining
Paete

Tayo nata ting tunguhin
Ang tanyag na tatlong Krus
Kapag ito’y iyong narating
Pananampalataya’y malulubos

Sierra Madre sa Silangan
Lawa ng Laguna sa Kanluran
Ito ang bayan ng masining
Paete

#Indie #Original #OPM